Tuwing bakasyon ay nagkakaroon ng palaro ng basketball sa aming barangay. Magkahiwalay ang laro ng mga kabataan at mga matatanda. Napagisipan ng mga pinsan ko na sumali kami sa palaro at nakasama kami sa laro ng mga kabataan. Buti na lang nakasali pa kami sa laro ng mga kabataan lang dahil kung makikipaglaro kami sa matatanda ay paniguradong madudurog ang katawan ko. Noong una akala namin hindi kami gaanong mahihirapan dahil mga bata lang na kagaya namin ang makakalaro namin, ngunit nagkamali ako. Magaling at matangkad ang team ang unang nakalaban namin. Lamang sila sa tangkad at karanasan sa paglalaro ng basketball kaya ang inaasahan ng iba kong kasama ay matatalo kami.
At sa wakas nagsimula na ang laro. Dahil sa mas malaki sila sa amin, ay dinaan nila kami sa lakas ng katawan. Maraming banggaan at tulakan ang naganap kaya mabilis sumakit at napagod ang aking katawan. Dahil dito, napagisipan namin na lumayo na lang sa banggaan at itira ang bola mula sa malayo para makaiwas sa sakit ng katawan. Nagisip kami ng kung anu-anong istratehiya para lang makasabay sa kanila. Buti na lang wala silang magandang kooperasyon sa isat-isa kaya nagkakasugapaan sa bola at dahil doon ay nakakabawi kami. Kahit na mahirap ay nanalo kami dahil sa swerteng naishoot ang bola ng aking kasamahan sa huling minuto ng laro. Nang dahil sa pangyayaring iyon, napatunayan ko na sa basketball ay hindi lang ito basta laki ng katawan at galing sa paglalaro para manalo, kailangan din pala ng teamwork at syempre... konting swerte..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento